Ang CHMSU at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay lumagda ng Memorandum ng Unawaan noong Mayo 27, taong 2023 sa Carlos Hilado Memorial State University – Talisay (Main) Campus), upang mapagtibay ang pagkakaroon ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa unibersidad. Layunin ng KWF na itaguyod ang pagtuloy na pag-unlad at paggamit ng Filipino bilang wikang Pambansa habang pinapangalagaan ang mga wikang katutubo ng Pilipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, at kaunlaran. Upang lubos itong maisakatuparan, hinihikayat ang mga piling kolehiyo at unibersidad sa buong bansa na magbangon ng SWK sa kanilang mga lokal.
Jay B. Estrellas, EdD, Vice President for Academic Affairs, Andrew Eusebio S. Tan, PhD, Vice President for Research and Extension, Ophelia M. Duayan, PhD, CIMD Director, Leizl May C. Tortogo, Dean, College of Education, Mary Rose A. Bañas, EdD, Focal Person ng SWK, at mga guro sa iba’t ibang kampus ng CHMSU at kinatawan ng KWF sa pamamahala nina Arthur P. Casanova, PhD, Tagapangulo ng KWF, Carmelita C. Abdurahman, PhD, Komisyoner ng KWF, Atty. Kirstein Faye Flores, KWF Executive Assistant, at Minda Blanca Limbo, Tagapag-ugnay ng SWK ay dumalo sa nasabing kaganapan.